Lumaktaw sa pangunahing content

SULATIN NO. 3 NI LINO GAMBAN

           Ang talumpati na aking napakingan ay napapatungkol sa pagkanasyonalismo na kung saan, tinatalakay and pagkaPilipino nating mga Pinoy na dapat nating tangkilikin at respetuhin ang sariling atin na tayo ang mayaman sa kalikasan na dapat tayong mga Pilipino ay maging iisa/magkaisa. Ukol naman sa spoken poetry na aking napakingan ay tumutukoy ito sa pagiibigang nawala nalang ng biglaan, ukol sa babae at lalake na nagtataguan at pilit hindi pinagtagpo ni tadhana
          Ang mahahalangang salik na dapat binibigyang diin sa pagsulat ng isang talumpati ay dapat isaalang alang ang mga salita na gagamitin. Kung maiintindihan ba ng iyong mga tagapakinig ang iyong mga binabangit, dapat din ay napapanahon ang mga layunin o mga impormasyon na iyong tinatalumpati upang maiugnay mo sa iyong mga tagapakinig o panauhin kung paano o papaano mo sasabihin ang mga salita ng tama. Mahalagang isaalang-alang din ang mga tagapakinig mo sa talumpati dahil sila ang dahilan kung bakit ka nakakapagtalumpati at para mahikayat  mo sila sa kung ano mang gusto mong ipahikayat sa kanila, at para magkaroon ka rin ng tagasuporta ukol sa talumpati na iyong pinapahayag. Ang uri ng talumpati na aking napakingan ay isinaulong talumpati dahil isinaulo muna ng nagtatalumpati ang kanyang sasabihin at napaghandaan niyang mabuti ang talumpati niya, naging maayos rin ang mga salita kapag nagtatalumpati
          Masisiguro ng nagtatalumpati na mapupukaw niya ang damdamin ng kanyang mga tagapakinig kapag nakikita mong nakatitig sayo ang iyong mga tagapakinig at kapag mayroong naiwang aral o tumatak sa kanilang puso't isipan ukol sa talumpating nabangit. Ganoon din sa spokenpoetry na ukol naman sa pagitan at sa pagmamahalang di pinagtagpo isinaalang alang niya ang kanyang mga tagapakinig at ginamit niyang mga salita ay naangkop at madaling maintindihan ng mga tagapakinig at malalaman mong nakkinig sila kapag naantig mo ang kanilang emosyon at napadama mo ang nararapat ipadama.               

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

SULATIN NO. 4 NI LINO GAMBAN

Ano ang kahulugan ng posisyong papel batay sa iyong sariling pagunawa?                   Ang posisyong papel ay uri ng silatin na kung saan ikaw ay may pinapanigan na panig, halimbawa sa isang isyu mayroong pabor at hindi pabor, nasasaiyong desisyon iyon kung san ka papanig na isyu. Bakit mahalaga ang paglalatag ng mga argumento sa pagsulat ng posisyong papel?                   Mahalagang ang paglalatag ng mga argumento sa pagsulat ng posisyong papel upang malaman ng iyong mambabasa kung san ka pumanig at anong isyu ang pinaguusapan at para din malaman ng mambabasa ang mga rason kung bakit yung ang napili mong panigan. Ano ang mahahalagang elemento sa pagsulat ng posisyong papel? Bakit ito mahalaga?                   Ang mga mahahalagang elemento sa pagsulat ng posisyong papel ay ebidensya, introduksyon, at konklusyon ito'y mahalaga dah...

SULATIN NO. 1 NI LINO GAMBAN

Pamagat ng Paksa : "Internship: Kuwentong Loob ng Tagalabas" Mananaliksik : Graziel Ann Ruth Latiza Institusyon : Unibersidad ng Pilipinas Mahahalagang impormasyon ng Pag-aaral : Ang mga mahahalagang impormasyon ukol sa sulating abstrak na aking nabasa ay tinututukan sa pagaaral na ito ang proseso ng paghahanap ng koneksiyon ng medisina at panitikan. Sentral o nakapokus din ang paksang ito ukol sa pag-aaral ng etika ng mga doctor na ginamit ng awtor bilang lunsaan ng mga kwento at kaapihan, katiwalian at korapsyon sa loob ng tipikal na ospital sa Pilipinas sa kasalukuyang panahon. Pinagtatampok din ditto ang kaugaliang "pakikipagkapwa-tao" ng mga Pilipino. Kahalagahan ng Pag-aaral : Ang kahalagahan ng Pag-aaral ukol sa abstrak na aking nabasa ay manulat ang mga mambabasa kung ano talaga ang tipikal na nangyayari sa loob ng tipikal na ospital sa Pilipinas, nakikita ng mga mambabasa kung ano ang mga hindi etikal na Gawain ng mga doktor sa mga pasyente, nalalaman d...

OUTPUT NO. 4 NI LINO GAMBAN

"Historya"                    Ang paaralan ng Saint Augustine School ay nabuksan upang magturo sa mga estudyante ng Tanza, Cavite noong taong 1969 Pebrero 14. Ipinundar ito ni Monsignor Francisco V. Domingo ang pari sa Tanza, Cavite noong taon na iyon, Ipinangalan ang Saint Augustine School sa patron ng bayan ng Tanza at ito ay si San Agustin. Nagsimula ang paaralan noong Hunyo 1969 ng may dalawang guro at apat naputapat (44) na estudyante at ng kinalaunan ay lumago, nagsimula ito sa kinder hangang grade 1 na pagtuturo, una pa lamang ay sistema ng SAS ang ginagamit ngunit paglipas ng panahon ay naging De La Salle na ang naging sistema dahil sa ganda ng sistema nito ay naging maganda rin ang takbo ng paaralan at mas dumami pa ang mga magaaral at guro ron.                    Ang paaralan na Saint Augustine School ay eskwelahan na hindi lamang pangkaraniwan dahil ang Saint Augustine...