Lumaktaw sa pangunahing content

OUTPUT NO. 7 NI LINO GAMBAN

Posisyong Papel

Isyu: Death Penalty
Kinatatayuan: Di sangayon

                        Ako ay hindi sangayon sa death penalty dahil naniniwala akong ang ating buhay ay napakahalaga at hindi rapat tapusin kung hindi pa nito oras.

Mga Rason kung bakit hindi ako sangayon sa death penalty.

  • And death penalty ay hindi makatao
  • Ang death penalty ay hindi ka makakakuha ng hustisya
  • Mga mahihirap lamang ang maghihirap dito
                         Ang death penalty ay hindi makatao dahil pumapatay tayong mga tao ng kapwa tao na hindi naman karapat dapat at kadalasan ay inaabuso ang kapangyarihan ng may makapangyarihan upang akusahan ang gusto niyang ipapatay.
                         Sa death penalty ay walang hustisya dahil imbis na makakuha ng hustisya ay lalo lang mawawalan ng saysay ang kahalagahan ng buhay, ang ibig kong sabihin o ipabatid ay sa pamamagitan ng pagpatay sa naakusahan ay hindi ka makakakuha ng hustisya dahil ikaw na nagutos ipapatay ang tayo ay ikaw na mismo ang nagkasala.
                         Mga mahihirap lamang ang mahihirapan sa death penalty na iyan dahil ang mga mayayaman ay magagamit nila ang kanilang mga yaman para di sila maakusahan at makalaya, samantalang ang mahihirap naman ay walang pambayad ay walang magagawa kung hindi tangapin na lamang ang parusang ipapataw sa kanila
                        
Kaya base sa aking opinyon ay hindi ako sumasangayon sa death penalty sa kadahilanang hindi ito makatao, walang hustisya na makakamtan dito at mga mahihirap lamang ang maghihirap na hindi naman makatarungan para sa iba.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

SULATIN NO. 4 NI LINO GAMBAN

Ano ang kahulugan ng posisyong papel batay sa iyong sariling pagunawa?                   Ang posisyong papel ay uri ng silatin na kung saan ikaw ay may pinapanigan na panig, halimbawa sa isang isyu mayroong pabor at hindi pabor, nasasaiyong desisyon iyon kung san ka papanig na isyu. Bakit mahalaga ang paglalatag ng mga argumento sa pagsulat ng posisyong papel?                   Mahalagang ang paglalatag ng mga argumento sa pagsulat ng posisyong papel upang malaman ng iyong mambabasa kung san ka pumanig at anong isyu ang pinaguusapan at para din malaman ng mambabasa ang mga rason kung bakit yung ang napili mong panigan. Ano ang mahahalagang elemento sa pagsulat ng posisyong papel? Bakit ito mahalaga?                   Ang mga mahahalagang elemento sa pagsulat ng posisyong papel ay ebidensya, introduksyon, at konklusyon ito'y mahalaga dah...

SULATIN NO. 1 NI LINO GAMBAN

Pamagat ng Paksa : "Internship: Kuwentong Loob ng Tagalabas" Mananaliksik : Graziel Ann Ruth Latiza Institusyon : Unibersidad ng Pilipinas Mahahalagang impormasyon ng Pag-aaral : Ang mga mahahalagang impormasyon ukol sa sulating abstrak na aking nabasa ay tinututukan sa pagaaral na ito ang proseso ng paghahanap ng koneksiyon ng medisina at panitikan. Sentral o nakapokus din ang paksang ito ukol sa pag-aaral ng etika ng mga doctor na ginamit ng awtor bilang lunsaan ng mga kwento at kaapihan, katiwalian at korapsyon sa loob ng tipikal na ospital sa Pilipinas sa kasalukuyang panahon. Pinagtatampok din ditto ang kaugaliang "pakikipagkapwa-tao" ng mga Pilipino. Kahalagahan ng Pag-aaral : Ang kahalagahan ng Pag-aaral ukol sa abstrak na aking nabasa ay manulat ang mga mambabasa kung ano talaga ang tipikal na nangyayari sa loob ng tipikal na ospital sa Pilipinas, nakikita ng mga mambabasa kung ano ang mga hindi etikal na Gawain ng mga doktor sa mga pasyente, nalalaman d...

OUTPUT NO. 4 NI LINO GAMBAN

"Historya"                    Ang paaralan ng Saint Augustine School ay nabuksan upang magturo sa mga estudyante ng Tanza, Cavite noong taong 1969 Pebrero 14. Ipinundar ito ni Monsignor Francisco V. Domingo ang pari sa Tanza, Cavite noong taon na iyon, Ipinangalan ang Saint Augustine School sa patron ng bayan ng Tanza at ito ay si San Agustin. Nagsimula ang paaralan noong Hunyo 1969 ng may dalawang guro at apat naputapat (44) na estudyante at ng kinalaunan ay lumago, nagsimula ito sa kinder hangang grade 1 na pagtuturo, una pa lamang ay sistema ng SAS ang ginagamit ngunit paglipas ng panahon ay naging De La Salle na ang naging sistema dahil sa ganda ng sistema nito ay naging maganda rin ang takbo ng paaralan at mas dumami pa ang mga magaaral at guro ron.                    Ang paaralan na Saint Augustine School ay eskwelahan na hindi lamang pangkaraniwan dahil ang Saint Augustine...