REPLEKTIBONG SANAYSAY
"Isang natatanging karanasan ng isang magaaral"
2018 kasalukuyang nasa Grade 12 ako at nalalapit na araw na lamang ang bibilangin at sa wakas Gagraduate na rin ako.
Hindi ko malilimutan ang mga karanasan bago matapos ang pagiging isang High School student, naalala ko pa kung gaano ako ka mahiyaain na tipong wala akong makausap, naalala ko pa kung gaano ako kahiya humarap sa maraming tao at yung unang araw na nagkaroon ako ng mga kaibigan at kabarkada ko na kasama ko parin hangang ngayon. Mga kalokohang di mabilang sa labas man o sa loob ng paaralan. Mga tawanan at kuladyaan kasama ng mga kabarkadahan, mga unang away na pagkaluna'y naging maayos din. mga "walwalan" o gala na kung saan-saan nakakarating at syempre kasama pa rin ang barkadahan, dito rin siyempre yung mga ligawan at bastedan na kung saan tutulungan ka pa ng iyong mga barkada masagot ka lang ng sinisinta o nililigawan mo. At ang parte ng pag-aaral ito yung may mga pasabit sabit na grades ka, yung di mo mapili o nahihirapan kang pumili kung gagala ba ako o magaaral na lang, yung tipong malapit na yung mga exams pero laro parin ako ng laro ng computer games at kung saan malapit na ang exam o isang araw na palugit tsaka pa lamang magrereview at sa awan naman ng Diyos ay nakapasa at may mataas na grades parin naman na nakukuha. Pagkatapos ng exam ay nandyan na yung tanungan ng score at pataasan, mayroon pang payabangan na nangyayari. Hinding-hindi ko lalo malilimutan ang araw-araw na nangyayare sa loob ng silid aralan namin dahil sa isang silid na aralan na iyo ay natulungan ako nitong buoin ang pagkatao ko at nakatagpo ng mga makakasama ko na patuloy pa rin na tumutulong sa akin na kilalanin at mahalin ang sarili ko. Kaya bago ako magtapos sa aking sekondarya, sa aking mga guro na tumulong at nagtiyaga sa akin at sa amin maraming maraming salamat po dahil kung wala kayo hindi namin maabot ang pangarap namin sa mga kaibigan, at kaklase ko salamat din sa inyo dahil natiis ninyo ang ugaling mayroon ako at ang mga kaklase ko hinding hindi ko po kayo malilimutan.
Sige na at magpipictorial na pala kame para sa aming year book salamat sa lahat sa next naman ang college life pano una na ako ha. YEARBOOK "2017-2018"
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento