- Ano ang kahulugan ng posisyong papel batay sa iyong sariling pagunawa?
Ang posisyong papel ay uri ng silatin na kung saan ikaw ay may pinapanigan na panig, halimbawa sa isang isyu mayroong pabor at hindi pabor, nasasaiyong desisyon iyon kung san ka papanig na isyu.
- Bakit mahalaga ang paglalatag ng mga argumento sa pagsulat ng posisyong papel?
Mahalagang ang paglalatag ng mga argumento sa pagsulat ng posisyong papel upang malaman ng iyong mambabasa kung san ka pumanig at anong isyu ang pinaguusapan at para din malaman ng mambabasa ang mga rason kung bakit yung ang napili mong panigan.
- Ano ang mahahalagang elemento sa pagsulat ng posisyong papel? Bakit ito mahalaga?
Ang mga mahahalagang elemento sa pagsulat ng posisyong papel ay ebidensya, introduksyon, at konklusyon ito'y mahalaga dahil ang ebidensya ang magiging basehan kung san ka pumapanig at ang introduksyon naman ang magbibigay ideya o impormasyon sa iyong mga mambabasa para mas maintindihan nila ang isyu at ang panghuli ay ang konlusyon na kung saan naka buod ang buong pahayag ng posisyong papel ng pinapanigan mo.
- Ano-ano ang mga nililinang na kasanayan sa pagsulat ng posisyong papel?
Ang nililinang na kasanayan sa pagsulat ng posisyong papel ay akademikong pagsulat.
- Mahalaga bang isaalang-alang ang mga babasa ng iyong posisyong papel? Bakit?
Mahalagang isaalang-alang ang babasa ng iyong posisyong papel sa kadahilanang kailangan mo manghikayat na pumanig sila sa pinapanigan mo, sa tulong ito ng mga ebidensyang ipapakita mo sa kanila.
- Ano ang isyung binibigyang diin sa posisyong papel?
Ang isyung binibigyang diin sa posisyong papel ay ang pag gamit ng wikang Filipino bilang wikang panturo sa kolehiyo, at pagkakaroon ng mga asignaturong Filipino bilang mandatory core course sa kolehiyo.
- Paano inilahad ang opinyon sa posisyong papel?
Inilahad ang opinyon sa posisyong papel ukol sa karanasan mismo ng pinanigan niya dahil hindi niya mailalahad ang gusto niyang sabihin kung hindi sia ang nakararanas
- Paano inilatag ang mga ebidensya hingil sa isyu? Ano-ano ang mga ito?
Ang mga ebidensya ay may pinagbabasehan at konektado sa isa't isa upang mas matibay ang ebidensya ng isyung pinapanigan
- Ano ang naging konklusyon sa posisyong papel?
Naging konklusyon sa posisyong papel na ang wikang pambansang Filipino ay mahalagang elemento ng kasaysayan natin sa kasaysayan sa Pilipinas, daan-daang taon na naging bahagi ng himagsikan noon at ngayon, bago makamit ang inaasam na paglaya, na ang wikang Filipino ay dapat ding gamitin kahit na Kolehiyo pa yan
- Ikaw, ano ang iyong paninindigan sa isyu?
Ang aking paninindigan sa isyu ay oo nararapat lang na wikang Filipino ang gamiting panturo at magkaroon ng Filipino na asignatura dahil ito'y ang ating wikang pambansa.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento