Paano mo paninindigan at ipaglalaban ang iyong karapatan sa sumusunod na mga sitwasyon.
1. Itinuro ka ng iyong kaklase sa inyong guro kaya ikaw ang napagkamalang naghagis ng balat ng saging sa sahig upang madulas ang iyong kaklase
Paninindigan at ipaglalaban ko ang karapatan ko, magpapaliwanag ako na hindi naman ako talaga ang naghagis ng balat ng saging, mangangatwiran ako at maglalahad ng mga ebidensya ukol doon sa isyu.
2. Napulot mo ang wallet ng taong naiinis sa iyo. Iaabot mo sana ito sa kanya. Subalit, pinagbintangan ka niya na ikaw ang kumuha ng wallet niya.
Sasabihin ko at magpapaliwanag ako na, nagmamalasakit lang ako nagmamagandang loob, paninindigan ko na wala akong balak na masama na nakawin yon dahil una sa lahat hindi ako magnanakaw at wala akong masamang intensyon sa wallet nya
3. Ang iyong ama ay dating mayor ng inyong bayan na nasangkot sa graft and corruption kaya nang ikaw ay kumandidato bilang kapitan sa inyong komunidad ay inakusahan ka na isang magnanakaw.
Magpapaliwanag ako at magpapakita ng mga ebidensya na hindi ako tulad ng aking ama, na ako'y seryoso at matinong tao na ang gusto ko lang naman ay mapabuti ang lugar ko at paninindigan ko yon sa harap ng maraming tao
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento