1. Ano ang mahalagang layuning nililinang ng pagsulat ng replektibong sanaysay?
- Ang mahalagang layunin na nililinang sa pagsulat ng replektibong sanaysay ay ang ideya at impormasyon na gustong maipabadit ay maayos na nailalahad sa pagkwento
2. Bakit kailangang gumamit ng deskriptibong wika sa pagsulat ng replektibong sanaysay?
- Kailangang gumamit ng deskriptibong wika sa pagsulat ng replektibong sanaysay dahil ang layunin mo ay mailarawan sa pamamagitan ng pagkwento mo at mailalahad mo ng maayos ang iyong mga karanasan at magagawa mo lamang ito sa pamamagitan ng deskriptibong wika kung detalyado mo itong makwento
3. Ano-ano ang mahahalagang bagay na dapat mong tandaan sa pagsulat ng repleksiyon?
- Ang mahahalagang bagay sa pagsulat ng repleksyon ay dapat totoo ang mga inilalagay doon, totoong nangyayari at totoong nararanasan upang ikaw na mismong nagakda ay makapagrepleksyon dito.
4. Baktit mahalagang matutuhan ang ganitong uri ng sulatin?
- Mahalagang matutunan ang ganitong uri ng sulatin upang makapagbahagi tayo ng mga karanasan na ating nalutasan at paano natin ito malalampasan kahit gaano man ito kahirap ay naabot parin ang gustong makamtan, at sa karagdagan ay nakapagbibigay ng impormasyon at aral sa mga mambabasa
5. Ano ang mahalagang sangkap na dapat mayroon sa pagsulat ng replektibong sanaysay?
- Ang mahahalagang sangkap na dapat mayroon sa pagsulat ng replektibong sanaysay ay nararapat na mayroong panimula, katawan, at kongklusyon kung saan ang panimula ay dapat makaenganyo ng mambabasa at napatututungkol sa paksa na pag tutuusan, katawan ay ang mga emosyon at damdamin na gustong ipabatid o iparamdam, kongklusyon ay nakapagiiwan ng aral o kakintalan sa mga mambabasa.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento