"kalikasan at modernisasyon"
Ang dulot ng modernisasyon sa ating tao ay maganda.pag gamit ng teknolohiya sa ating kabuhayan at pagkatuto ay lubos na nakakatulong sa pag papaunlad ng ating industriya,ngunit napapansin niyo ba? na kasabay ng ating pag-unlad ay ang pagkasira ng ating kalikasan. kaliwa't kanang buga ng usok ng mga sasakyan at pagawaan,polusyon sa hangin maging sa dagat ay kumalat narin. hanggang kailan tayo magbibingi bingihan , hanggang kailan tayo mag bubulag-bulagan ang kalikasan ay ating ingatan pagka't iyan ang ating unang mapakinabangan bago ang teknolojiya. tayong tao ang may responsibilidad sa lahat ng nangyayari. hindi nako magtataka kung isang araw mumulat ako na ubos ang puno sa paligid basura'y nag kalat,kaliwa't kanang polusyon at sakit ay laganap. ito ba ang ating gusto? Habang maaga pa tayo't kumilos na.protektahan ang ating kalikasan oras na para tayo'y umaksyon. simpleng pag tatapon ng basura sa tamang basurahan, hindi pag kakala't ay malaking tulog sa ating kalikasan. huwag nating hayaan na ang kalikasan ang sa ating mag sawalang bahala. kabataan oras na para magamit ang ating kakayahan sa pag papaunlad ng magandang kinabukasan sa magandang paraan. ipakita natin sa susunod na henerasyon ang kagandahan nang kalikasan ating natamo. mahalin at ingatan ang ating kalikasan.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento