"Historya"
Ang paaralan ng Saint Augustine School ay nabuksan upang magturo sa mga estudyante ng Tanza, Cavite noong taong 1969 Pebrero 14. Ipinundar ito ni Monsignor Francisco V. Domingo ang pari sa Tanza, Cavite noong taon na iyon, Ipinangalan ang Saint Augustine School sa patron ng bayan ng Tanza at ito ay si San Agustin. Nagsimula ang paaralan noong Hunyo 1969 ng may dalawang guro at apat naputapat (44) na estudyante at ng kinalaunan ay lumago, nagsimula ito sa kinder hangang grade 1 na pagtuturo, una pa lamang ay sistema ng SAS ang ginagamit ngunit paglipas ng panahon ay naging De La Salle na ang naging sistema dahil sa ganda ng sistema nito ay naging maganda rin ang takbo ng paaralan at mas dumami pa ang mga magaaral at guro ron.
Ang paaralan na Saint Augustine School ay eskwelahan na hindi lamang pangkaraniwan dahil ang Saint Augustine School ang kauna-unahang pribadong sektor na school na ekslusibo lamang para sa mga Katoliko sa paglipas ng taon at dahil sa pagbilis ng paglago ng eskwelahan ay nakapagpundar at nakapagpatayo ng gusali para naman sa sekondarya o High School students noong 1971 at sinundan ito ng basketball court. Dahil nga patuloy ang paglake ng paaralan ay nagkaroon na ito ng sarili nilang LOGO ang Saint Augustine School na ginawa ni Norgin Molina na estudyante ni Cabuhay Jr. noong 1988 kung saan ang logong iyon ang nagsisimbulo ng pagkakaisa at paglago ng Saint Augustine School na hangang ngayon ay patuloy parin na ginagamit sa paaralan.
Dahil sa magandang edukasyon na mayroon ang Saint Augustine School ay hangang ngayon nagpapatuloy parin ang paglilingkot at pagseserbisyo ng paaralan sa mga estudyante ng Tanza, Cavite noong nakaraang taon ay may bagong proyektong tinayo ang Saint Augustine School at ito naman ay para sa mga estudyante na mag Senior High School mayroon itong maraming mga gusali at naglalaman ng mga kagamitan pang eskwela. Patunay lamang iyo ng pagiging matatag, masagana at maayos na paaralan ng Saint Augustine School dahil ang mga magulang namin ay nagaral na rin doon at kasale na sila sa Historya ng Saint Augustine School na hindi nila malilimutan.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento