"SPOKEN POETRY"
Hays School Life
Sa una lang pala nakakakaba
Sa una lang pala nakakatamad pa
Sa una lang pala nakakawalang gana
Sa una lang pala yung parang ayaw ko na
Lumipas ang mga araw, linggo, at buwan tila ako'y naliwanagan
Na ang dating nakakakaba, nakakatamad, nakakawalang gana, at parang ayaw ko na hangang sa una lang pala talaga
Nakatagpo ako ng makakasama at nagturingan na parang pamilya
Kaibigan, katropa, at kabarkada
Kasama ko sa bawat sarap na natatamasa
Kasanga ko sa bawat kalokohang aking nagawa
Kasama ko rin sa bawat kaparusahang sa ami'y isinagawa
Mga karanasang aking naranasan, aking itatanim sa puso't isipan
Ang buhay ay parang gulong ng buhay na hindi laging masaya at hindi laging malungkot o masalimuot
Kaya natapos na ang kasiyahan
Dumating na ang kahirapan
Mga aktibidad na sa sobrang dami
Di na malaman kung ano ang uunahin
Mga long test n a para bang kumukuha ka ng licensure test
Mga projects na naeex pagkadating ng pasahan
Mga grupong aktibidad na nagiging aktibidad na pang isahan
Mapapahays ka na lang talaga sa dami ng ginagawa
Mahirap man ito para sa akin
Pagkatuto naman ang isusukli nito sa akin
Natuto akong tumayo sa sarili kong paa
Na lumaban kahit ako na lang magisa sa eskwela
Dumating sa punto na nagtanong ako sa aking sarili
Anong nangyari sa aking pageeskwela
Naadik sa mga laro DOTA, LOL, SF at kung ano ano pa
Natutong magliwaliw sa kanto kasama ng mga barkadang mga loko-loko
Ipinagpalit ang pagaaral sa paglalaro
Ipinagpalit ang panandaliang kasiyahan ko
Sa paglipas ng araw, linggo, at buwan
Tila ako'y naliwanagan
Na ang nangyari sa aking pageeskwela, nasira at napaltan
Dahil lamang sa pandaliang kasiyahan
Kaya't simula noon ay nagseryoso ako at natuto nagsipag para matapos ang pagaaral ko at nagsumikap para matupad ang mga pangarap na hinahangad hangad ko
At hindi sumuko para may mapatunayan sa sarili ko, at masabi ko sa sarili ko na nakayanan ko at natapos ko
Nakakahays man ang high school life ko
Marami naman akong natutunan at naranasan
Masaya, malungkot, magulo, nakakaiyak, nakakakaba, nakakainis, nakakaexcite ilan lamang yan sa mga karanasan na hindi ko malilimutan hangang sa dulo ng buhay ko

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento