Lumaktaw sa pangunahing content

OUTPUT NO. 3 NI LINO GAMBAN

 Titser Annie

      Si titser Annie ay nagtuturo ng 14 na taon sa mga mangyan. Bago makarating sa paaralan sa lugar ng mga mangyan ay may mga bangin, ilog, at mga bundok ang susuungin. ayos sa mga taga roon ay bibihira lamang ang mga gurong babae na nagtuturo roon, at puro kalalakihan ang nagtuturo dahil sa hirap magturo sa lugar na iyon.
      Bago siya makarating sa paaralan ay mahabang lakarin ang kanyang uusungin marating lamang ang paaralang kaniyang pinapasukan. Ilang oras na lakaran, labing anim na ilog ang tatawirin at mga bundok pa. Habang naglalakbay ay may mapapansin na komyunidad at sa komyunidad na iyon ay doon nagtuturo si Titser Annie kasama ang isa pa niyang kapwa titser. Sa kadahilangang dalawa silang nagtuturo ay sabay-sabay tinuturuan nila Titser Annie ang kanilang mga estudyante sa dalawang silid paaralan sa "Labo Elementary School" ang tinuturuan ni titser Annie ay mula kinder hangang grade 3, samantalang ang kasamahan niyang tiser ay grade 4 hangang grade 6 at dahil tinangap ng mga matatanda at magulang na mangyan ang mga guro bilang pasasalamat ay tinuruan nila Titser Annie ang mga magulang at matatanda ng libre pagdating ng hapon hangang gabi.
      Sa isang silid aralan sa linya ng mga kinder ay mayroong estudyante na may dalawangpung taong gulang na ngunit siya ay nasa kinder parin. Tatlong beses napasok sa isanag linggo dahil siya ay nagtatrabaho sa sagingan upang masuportahan ang kanyang pamilya na bilang panganay ay siya na ang tumatayo bilang nanay at tatay ng kanilang tahanan, pumanaw na ang kaniyang ama at may sakit naman ang kanyang ina, ilang oras na lakaran para lamang magkaroon ng pera pambili ng gamot para sa kaniyang magulang, sa kabila ng hirap ay nakangiti parin ang dalaga dahil kumita siya ng pera para sa pamilya.
       Ang mga mangyan ay takot sa mga dayuhan ngunit sa piling nila titser Annie ay panatag at komportable sila, para sa gurong nagmamalakasakit ay handang gawin ang kanyang tungkulin, dumating ang araw na natapos na ang kanyang kontrata sa sitio Labo ngunit mas pinili niya na manatili, dahil sa napamahal na ang mga batang mangyan sa kanya at dahil gusto niyang matuto ang mga bata sa tulong niya. Hindi siya doktor, hindi mayaman ngunit siya ay may dala-dalang kasiyahan, pag-asa, at mayaman siya sa malasakit.  

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

SULATIN NO. 4 NI LINO GAMBAN

Ano ang kahulugan ng posisyong papel batay sa iyong sariling pagunawa?                   Ang posisyong papel ay uri ng silatin na kung saan ikaw ay may pinapanigan na panig, halimbawa sa isang isyu mayroong pabor at hindi pabor, nasasaiyong desisyon iyon kung san ka papanig na isyu. Bakit mahalaga ang paglalatag ng mga argumento sa pagsulat ng posisyong papel?                   Mahalagang ang paglalatag ng mga argumento sa pagsulat ng posisyong papel upang malaman ng iyong mambabasa kung san ka pumanig at anong isyu ang pinaguusapan at para din malaman ng mambabasa ang mga rason kung bakit yung ang napili mong panigan. Ano ang mahahalagang elemento sa pagsulat ng posisyong papel? Bakit ito mahalaga?                   Ang mga mahahalagang elemento sa pagsulat ng posisyong papel ay ebidensya, introduksyon, at konklusyon ito'y mahalaga dah...

SULATIN NO. 5 NI LINO GAMBAN

Paano mo paninindigan at ipaglalaban ang iyong karapatan sa sumusunod na mga sitwasyon. 1. Itinuro ka ng iyong kaklase sa inyong guro kaya ikaw ang napagkamalang naghagis ng balat ng saging sa sahig upang madulas ang iyong kaklase                 Paninindigan at ipaglalaban ko ang karapatan ko, magpapaliwanag ako na hindi naman ako talaga ang naghagis ng balat ng saging, mangangatwiran ako at maglalahad ng mga ebidensya ukol doon sa isyu. 2. Napulot mo ang wallet ng taong naiinis sa iyo. Iaabot mo sana ito sa kanya. Subalit, pinagbintangan ka niya na ikaw ang kumuha ng wallet niya.               Sasabihin ko at magpapaliwanag ako na, nagmamalasakit lang ako nagmamagandang loob, paninindigan ko na wala akong balak na masama na nakawin yon dahil una sa lahat hindi ako magnanakaw at wala akong masamang intensyon sa wallet nya 3. Ang iyong ama ay dating mayor ng inyong bayan na nasangkot sa graft a...

OUTPUT NO. 2 NI LINO GAMBAN

"ISANG PAG-AARAL SA MGA DAHILAN AT EPEKTO NG PAGIGING HULI NG MGA ESTUDYANTE SA MATAAS NA PAARALAN NG LUNGSOD NG KIDAPAWAN" "ABSTRAK" Ang pananaliksik na ito ay napapatungkol sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap ng mga estudyante mula sa Kidapawan City National High School. Ito ang pagiging huli sa klase. Ang pananaliksik na iyo ay tungkol sa pagaaral sa mga posibleng dahilan, epekto at solusyon sa problemang ito. Sa pagdaan ng panahon at sa paglipas ng oras ay mas lumala at nadagdagan ang mga suliraning kinakaharap ng mga estudyante sa Kidapawan City National High School araw-araw. Maraming pwedeng benepaktibo ang pananaliksik na ito sa kadahilangang makikita ng lahat kung gaano kahirap o kaimportante ang pagdatin sa paaralan araaw-araw. Ang mga respondente na makikinabangan sa pananaliksik na ito ay magaaral sa paaralan at mga mambabasa. Para sa respondente ng aming pananaliksik ay maibabahagi nila ang kanilang mga saloobin, reaksyon. mungkahi, kaala...