LAKBAY SANAYSAY
"BAGUIO"
Agosto 2009, noong una akong makatapak at makapamasyal sa napakalamig at napakagandang lugar ng baguio at mas sumarap at gumanda pa ang pamamasyal ko dahil kasama ko ang aking pamilya at mga malalapit na pinsan.
Gamit ang isang pampamilyang sasakyan patungo sa baguio umalis kami ng madaling araw upang maaga kaming makarating sa lugar na iyon tumagal ang pagbibiyahe namin ng 4 hangang 5 oras dahil sa taas ng lugar na iyon, nakakatakot dahil sa parehong gilid ay delikado makikita mo ang bangin at matataas na lupa na kung saan pwede kaming madisgrasya at magkaroon pa ng aberya dahil nasiraan ang sinasakyan namin, buti na lang at mayroong mga dalang kagamitan ang aming drayber at naayos din naman kaagad, pagkarating namin sa lugar na iyon ay agad naming tiningnan ang kwartong aming tutuluyan at maayos naman, sumunod ay sa may park na kung saan may kabayo, may bangka, may bisikleta at mga rides na kalimitan mong makikita sa mga peryaan, kinahiligan ko talaga ang pagsakay sa kabayo at hinding hindi ko malilimutan ang karanasan ko rito, unang beses kong makasakay ng kabayo at napatakbo ko ito ng magisa at mabilis pa at kinagulat ito ng maraming tao, nagenjoy o naligayahan ako lalo dahil kasama ko ang mga mapagmahal kong mga pinsan at kami ay masayang nagsama-sama.
Natapos na ang isang araw na galaan kasama ang aking pamilya, natapos na ang isang araw na kasiyahan na naging parte ng buhay ko ngunit ang isang araw na iyon ay hinding-hindi ko makakalimutan, dahil iyon ang kauna-unahang araw na nakarating ako ng baguio.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento