PICTORIAL ESSAY
"MODERNISASYON"
Ngayong taong 2000 hangang ngayon ay ang henerasyon na kung saan naging moderno na at patuloy na may naiimbento ang mga tao para mas mapaganda pa natin at mapadali ang pamumuhay nating mga tao, ang dating mahihirap at matatagal na gawain ay napapadali na ngayon, ang mga marurupok na tahanan ay tumitibay na ngayon at ang mga kalsadang malubak ay nagiging patag na rin, pag dating naman sa pakikipagkomunikasyon ay mas dumadali na rin dahil sa internet na mayroon tayo ngayon. Gadgets, kasabay ng modernisasyon ang pagusbong ng mga gadget na kung saan tumutulong sa atin makipagkomunikasyon o mapadali ang pakikipagusap natin, na kahit malayo man ang ating gustong kausapin ay magagawa parin natin na sila'y makausap, ang dating malalake at mabibigay na mga kompyuter at telebisyon ay gumagaang na at numinipis ng numinipis dahil sa patuloy na pagimbento ng mga tao, sa tulong din ng mga gadget ay bumibilis ang pagiging produktibo ng mga tao. Social Media na nakapaloob rin sa modernisasyon at magkakaroon ka lamang ng ganito kapag may mga gadget ka tulad ng telepono at computer. Sa tulong ng social media ay nagiging una ka lagi sa mga balita o updated sa ingles sa mga nangyayari sa iyong paligid, sa tulong din nila ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng madaling komunikasyon ang bawat isa. sa tulong din ng social media ay madaling nagkakapalitan ng impormasyon ang isa't isa. Sasakyan kasabay ng modernisasyon ang pagusbong ng mga makabagong sasakyan, ba kung saan nagiging mas maayos, mas maganda, mas mabilis at mas makabagong makinarya. At ang panghuli ang mga gusali, makikita mo sa isang bansa kung mayaman ba ito o hindi sa tulong ng mga gusali kung noon ay maliliit na gusali lang ang mayroon, ngayon ay napalitan at napaganda na dahil mas tumaas na at nagkaroon ng mga libo libong trabahador sa loob.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento